Kampanya ng Comelec kontra vote buying dapat seryosyohin ng mga kandidato at botante

CAMARINES NORTE – Nagbabala ang Commission on Elections sa mga kandidato at mga botante na mamimili at magbebenta ng boto ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Election Officer III, Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau, kumpara noong mga nagdaang eleksyon mas mahigpit ngayon ang Comelec dahil sa mas mabilis na ang pagrereport ng mga election offense.

Ngayon hindi lang basta ang simpleng bigayan at abutan ng pera ang tinututukan pati ang paggamit ng digital banking o e-wallet sa vote buying at vote selling.

Nakapaloob din sa seksyon 28 ng Comelec Resolution 10946 na magpapatupad ang komisyon ng money ban.

Sa ilalim ng naturang Comelec resolution ipapatupad ang money ban dalawang araw bago ang mismong araw ng eleksyon kung kailan ipinagbabawal ang pag- iingat, pag transport at pagdadala ng cash na lalagpas sa P500.000.00

Binigyang kapangyarihan ng Comelec ang Committee on KontraBigay para tutukan ang vote buying at vote selling tuwing halalan sa pamamagitan ng paglalatag at pagpapatupad ng isang maasahan at epektibong sistema ng pag-uulat, pag-iimbestiga, at pag-uusig sa pagbili at pagbenta ng boto bilang pangunahing Election Offense. Sa ilalim ng Omnibus Election Code nmay parusang pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon, at maari ding madisqualify ang isang pulitiko mula sa public office at maaring mawalan ng karapatang bumoto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *