DepEd nagbigay ng pahayag hinggil sa isyu ng pagkaka-aresto sa isang gwardiya kasama ng isa pa na nagpa-pot session sa loob mismo ng binabantayang eskwelahan

CAMARINES NORTE – Nagbigay ng pahayag ang Department of Education (DepEd) Camarines Norte hinggil sa isyu ng pagkakaaresto sa isang gwardiya na nahuli umano sa akto na nagpa-pot session kasama ng isa pang lalaki sa loob mismo ng binabantayang eskwelahan sa bayan ng Basud, Camarines Norte noong Biyernes ng gabi.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet ay Division Information Officer Antonio Ahmad sinabi nito na mariing kinokondena ng Schools Division Office ang pangyayari dahil ang eskwelahan ay dapat “drug free.”

Nakatuon umano  ang pansin ng DepEd sa kapakanan ng mga estudyante at anumang aktibidad na maglalagay sa kanila sa panganib ng iligal na droga ay hindi  katanggap- tanggap.

Matatandaan na batay sa police report ay nakatanggap umano ng impormasyon ang Basud Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen tungkol sa diumano’y “pot session” na nangyayari loob ng eskwelahan na kinasasangkutan ng gwardiya na si alyas ‘Lito’ 52 at alyas ‘Den’ 50 anyos.

Inirekomenda na umano ng Principal ng eskwelahan sa kaniyang incident report ang dismissal ag gwardiya na isang job order employee.

Kasabay naman nito ay tiniyak ng DepEd na magiging patas sila at hihingan din ng kaniyang panig ang gwardiya.

Nang matanong kung magkakaroon ba ng random drug testing sa hanay ng DepEd personnel dahil sa pangyayari, tugon ni Ahmad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *