Karagdagang sentinel pigs, ipapamahagi ng da region 2 sa Isabela at Cagayan

Nakatakdang mamahagi ng karagdagang sentinel pigs ang Department of Agriculture Field Office No.2 sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Cagayan at Isabela sa September 22, 2021.

Ayon kay Dr. Manuel Galang, Jr., ASF focal person ng DA RFO 2 Regulatory Division, ipamamahagi ang 420 heads sa Cagayan at 189 heads naman sa Isabela.

Kasama na sa mga ipapamahagi ng ahensya ang feeds at bitamina sa mga ibibigay ng piglets.

Una na ring nakapagdistribute ang DA Region 2 ng mga biik sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon katuwang ang mga provincial veterinary office at LGUs.

Ayon pa kay Dr. Galang, mayroon na umanong 87 na mga munisipalidad sa lambak ang pinagtibay ang pagpapatupad ng BABay ASF at 13 na mga syudad at bayan na ang naglabas ng ordinansa kaugnay rito.

Samantala, nasa 2,555 hog raisers ang nakapag-enrol na ng 4,708 heads breeder sa PCIC at 2,741 fatteners ang nakapag-insure ng 12,838 heads ng kanilang alagang baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *