Kaso ng Delta variant sa Koronadal, ‘di nadagdagan – CHO

KORONADAL CITY — NANANATILING isa ang kaso ng delta variant ng Covid-19 sa lungsod ng Koronadal.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Edito Vego, city health officer ng lungsod, kinumperma nito na hindi nadagdagan ang kaso ng delta variant sa lungsod matapos nag-positibo sa nasabing variant ang isang 24-anyos na lalaking empleyado.

Kinumperma ni Vego na maayos na ang kalagayan ng nabanggit na pasyente ngunit nag-positibo din sa Covid-19, ngunit hindi sa Delta variant ang ilan sa mga ka-trabaho at kamag-anak nito.

Nilinaw din ng Vego ang ulat ng DOH kung saan dalawa ang nakalistang nag-positibo sa Delta variant sa Koronadal.

Paliwanag ng opisyal, taga-Batangas ang babaeng nag-positibo sa Delta variant at gumamit lamang ng address na Koronadal dahilan upang mapunta sa lungsod ang record nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *