Kaso ng dengue sa region 2, tumaas ng 12% ayon sa DOH

Tumaas ng 12% ang bilang ng naitalang Dengue cases sa buong lambak ng Cagayan noong 2021 ayon sa Department of Health Region 2.

Sinabi ni Dra. Ma. Angelica Taloma, ang cluster head ng Collaborating Centers for Disease Prevention and Control ng Department of Health, na nakapagtala ng 1,396 cases nitong nakalipas na 2021 kung saan mas mataas ito kumpara sa 2020 reported cases na 1, 244.

Aniya, anim sa mga naturang kaso ay nasawi kung saan 3 ang mula sa lalawigan ng Cagayan, at tig-isa sa Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino Province.

Partikular na nakitaan aniya ng pagtaas sa mga pasyenteng tinamaan ng sakit na dengue ay ang probinsya ng Isabela at Nueva Vizcaya.

Dagdag pa nito, naranasan ang increase sa mga kaso sa buwan ng Nobyembre kung dumami aniya ang mga taong lumabas at naging expose sa iba’t-ibang uri ng sakit.

Kaugnay nito ay sinabi pa ni Dra. Taloma na patuloy ang ginagawang monitoring ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng aksyon laban sa dengue.

Nagsasagawa aniya ng ocular survey at inspection sa mga lugar na posibleng pamugaran at dumami ang lamok na naghahatid ng dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *