Aktibong kaso ng covid-19 sa Isabela, halos dumoble ngayong araw

Halos dumoble ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawgan ng Isabela matapos maitala ang 41 na bagong kaso ngayong araw, January 5, 2022.

Batay sa datos na inilabas ng Isabela Provincial information Office, sa ngayon mayroon ng 85 total active cases ang probinsya mula sa dating 49 noong Lunes, January 3, 2022.

Nanggaling ang mga bagong kaso sa Santiago City na may 16 new cases, Gamu na nakapagtala ng 6 na kaso, 5 sa City of Ilagan, 3 cases sa Jones, tig-dalawa sa mga bayan ng Cordon, Ramon at San Mateo.

Habang nakapgtala naman ng tig-isang kaso sa Cabagan, Cauayan City, Delfin Albano, Naguilian at San Agustin.

Nangunguna ang lunsod ng Santiago sa may pinakamaraming aktibong kaso na mayroong 24 cases.

Samantala, naitala rin ang 5 new recoveries habang wala namang naidagdag sa talaan ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *