Kasong grave threat, isasampa ng Makabayan bloc vs dating PD30 sa susunod na linggo

Inihahanda na ng mga abogado ng Makabayan bloc ang kasong grave threat na isasampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Brigada News Fm kay Rep. France Castro ng ACT-Teachers Party-list, sinabi nito na bagaman sanay na sila sa pananalita ng dating Pangulong Duterte ay hindi nila ito kukunsintihin lalo’t direktang banta ito sa kanyang buhay at kanyang pamilya.

Ayon sa Mambabatas, hindi titigil ang Makabayan bloc sa pagkuwestiyon ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng natatamasang pagbabanta na kanila namang tutugunan ng kaso.

Agad namang sinagot ni Senator Bato Dela Rosa ang naging pahayag ni ex-pres. Duterte na aniya normal na pananalita lamang ng dating opisyal na kung maalala nangyari ito sa isang TV Station, nang mapag-usapan ang hiling na confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *