Brigada Balita Nationwide sa Umaga, muling napabilang sa Best News Program finalist ng Catholic Mass Media Awards

Muling napabilang sa ikatlong sunod na taon ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga bilang finalist sa BEST NEWS PROGRAM category ng The Catholic Mass Media Awards.

Tampok sa progamang ito ang mga balanse at totoong balita kabilang na ang pinakamalalaking National News stories, at mga reports mula sa iba’t ibang himpilan ng Brigada News FM Philippines.

Hatid din nito ang ilang mga ‘informative segments’ kasama ang mga weather updates, mga balitang sa ibayong dagat, balitang pampalakasan, showbiz at HEALTH NEWS.

Mapapakinggan tuwing alas-siyete ng umaga ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga sa lahat ng himpilan ng Brigada News FM, AT mapapanood din via livestream sa Facebook at YouTube Channel ng Brigada.

Maaalalang nakasama rin noong 2022 ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga sa parehong kategorya sa ginanap na CMMA awarding.

Ang amin pong taus-pusong pasasalamat sa mga bumubuo sa CMMA sa pagkilalang ito sa Brigada Balita Nationwide sa Umaga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *