Kita ng mga LGUs., tumaas ng 400% matapos ipatupad ang digitalization

Iniulat ng Department of the Interior and Local Government o DILG na tumaas ng 400% ang revenue ng mga local government unit, matapos ipatupad ang digitalization.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na mula sa dating kita ng mga LGUs noong 2018 na nasa 50 billion, umakyat ito sa 208 billion.

Habang ang mga rehistradong negosyo sa bansa, noong 2018 ay nasa 1.3million, sa ngayon ay pumapalo na ito sa 4.7million.

Malaking bagay ayon sa opisyal ang pagpapasimple sa proseso ng pagkuha ng mga dokumento tulad ng permits at licenses sa pagnenegosyo.

Sa katunayan ayon pa sa opisyal, mula nang idigitalize ang mya transaksyon sa LGU, ang dating 27 steps sa pagkuha ng business permits ay naging tatlo na lang sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *