Klase at trabaho sa gobyerno sa NCR, suspendido ngayong araw

Inanunsyo ng Malakanyang ang suspensiyon sa mga klase sa lahat ng antas, trabaho ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) ngayong araw alinsunod sa Memorandum Circular No. 30.

Ito ay dahil patuloy pa ring hinihila ng Bagyong Goring at Bagyong Hanna ang umiiral na Habagat kaya’t inaasahan ang malakas na buhos ng ulan sa NCR.

Samantala, ipinaubaya naman ng Palasyo sa pribadong sektor ang pagpapasya kung magsususpendi sila ng pasok sa eskwelahan at trabaho.

Nag-anunsiyo na rin ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na walang pasok pasok sa Appari, Cagayan; Masantol, Pampanga; Hagonoy, Bulacan; Bacolod City; Angeles City; Atok, Benguet; Rizal; Dagupan City; maging ang Abra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *