Naga City SWMO, handang-handa na para sa peñafrancia fiesta; apat na dump truck na hiniram para sa celebration nakatalaan nang dumating

NAGA CITY – Handang-handa na ang Naga City Solid Waste Management Office para sa paparating na Peñafrancia Fiesta.

Ito ang pagtitiyak sa Brigada News FM Naga ni Engr. Joel Martin, SWMO Head.

Kung saan nakapaglinis na sa ilang area sa lungsod lalong-lalo na sa mga plaza, tuloy din ang clearing operations sa mga area na nagiging tambakan ng mga basura tulad sa Barangay Dayangyang, naging katuwang na rin sa paghahanda sa bangkang gagamitin para sa fluvial procession, maging mga nakakaabalang sanga ng mga puno sa kalsada nagpapatuloy din ang pag-aalis nito.

Layon ng paghahanda o tinatawag na “Naga Na Linig Program”, ang maging presentable hindi lang para sa mga bibisita bagkos ay para mismo sa Lokal na Pamahalaan ng Naga.

Maliban pa riyan, inaasahan ding darating ang apat na dump truck na hiniram ng opisina para sa dagdag na mapaglalagyan ng mga basura lalo na nasa sampu lamang mayroon ang opisina.

Sa ngayon normal pang nasa 120 toneladang basura ang nahahakot araw-araw, at inaasahang aabot sa 200 hanggang 250 bawat araw ang posibleng mahakot sa panahon ng pagdiriwang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *