Kooperasyon at pakikiisa, hiling ng JTF-Bicolandia sa mga Bicolano ngayong nagsimula na ang election period

BNFM BICOL—Inihayag ni MGen. Alex DC Luna – Commander ng Joint Task Force Bicolandia na wala silang ibang hiling sa mga Bicolano kundi ang pakikiisa at kooperasyon ngayong nagsimula na ang election period.

Sa isang panayam inihayag ng opisyal na layunin ng JTF Bicolandia ang pagkakaroon ng mapayapa at ligtas na pagdaraos ng May 2022 election.

Upang maisakatuparan aniya ang naturang hangarin, ang pakikiisa ng publiko sa ipinatutupad na COMELEC checkpoints at ‘gun ban’ ang kanilang hinihingi matapos itong ilunsad nitong nakaraang araw ng Linggo January 9, na magtatagal hanggang June 2022.

Sa loob ng election period, ipinaalala ng opisyal na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala at pag transport ng baril at ng iba pang mga ‘deadly weapons’ may linsenya man ito o wala.

Tanging mga opisyales at personahe lamang ng Armed Forces of the Philippines at iba miyembro ng mga Government Law Enforcement Agencies ang pinahihintulutang magtaglay ng baril sa pagganap ng kanilang tungkulin ngayong election period. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *