Koronadal City Public Market, bantay sarado kasabay ng No Movement Sunday!

KORONADAL CITY — WALANG market vendors na papayagang magbenta ng kanilang mga paninda bukas, araw ng Linggo sa public market ng Koronadal kasabay ng implementasyon ng “No Movement Sunday sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Market Supervisor Junard Manansala, ipina-alam na umano nila sa lahat na mga market vendors ang nasabing kautusan ng city government upang walang lumabag dito.

Upang masiguro na walang magbebenta sa public market kasabay ng No Movement Sunday, may mga miyembro umano ng Civil Security Unit o CSU at watch team na magbabantay sa buong palengke.

Matatandaan na noong mga nakaraang No Movement Sunday sa Koronadal, maraming market vendors pa rin ang namataang nagbukas.

Ipapatupad ang No Movement Sunday sa unang dalawang araw ng Linggo ngayong Setyembre sa Koronadal dahil pa rin sa tumataas na kaso ng Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *