Kotse bumaliktad sa Naga City;  3 sasakyan nadamay

NAGA CITY – Bumaliktad ang isang kotse sa kahabaan ng National Highway sa may bahagi ng Barangay Mabolo, lungsod ng Naga kaninang madaling araw. Nadamay sa aksidente ang 2 dalawang tricycle at isang kotse.

Pawang lasing ang drayber at ang kasama nitong foreigner na galing umano sa isang bahay aliwan sa Milaor , Camarines Sur. Ayon kay PSMS Alvin Oco ng Highway Patrol Group at may-ari ng nadamay na sasakyan, matulin ang patakbo ng drayber  dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela at tuluyan ng bumaliktad.

Ligtas naman ang drayber at ang kasama nito na nagtamo lamang ng mga gasgas sa katawan.

Sasagutin ng driver ang pinsala sa mga nabangang sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *