Lalawigan ng Nueva Ecija, nangunguna sa may pinaka-maraming mahihirap na pamilya sa Central Luzon

Nangunguna ang lalawigan ng Nueva Ecija sa may pinaka maraming mahirap sa Central Luzon.

Ito ay base sa Listahanan ng Department of Social Welfares and Development o DSWD.

Base sa datos, nasa 76, 691 ang bilang ng household na mahihirap sa Nueva Ecija na sinundan ng Bulacan na may 47, 907 na mahihirap na household; 42, 159 household na mahihirap naman sa Tarlac; 40, 382  sa Zambales; 29, 241 sa Pampanga; 21, 945 sa Bataan; at 12, 131 sa Aurora.

Samantala, sa mahigit 1.5 million na na-asses ng DSWD sa Central Luzon, lumalabas na nasa 270, 456 ng bilang ng mga mahihirap na pamilya sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *