Kremlin, itinanggi ang mga ulat na 700,000 ang umalis ng Russia

Itinanggi ng Kremlin ang mga balitang nasa 700,000 ang mga Russians na umalis ng Moscow, simula nang inanunsyo ng mobilization drive para sa panawagan ng daan-daang libong lalaban sa Ukraine.

Pero ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov, wala silang saktong bilang kung ilan ang mga tao na umalis sa kanilang bansa, simula nang ianunsyo ni President Vladimir Putin ang “partial mobilization” noong Sept. 21.

Sinasabing libo-libong mga Russians, na karamihan umano ay military-age men, ang umalis sa layuning maiwasan ang na magsilbi laban sa Ukraine.

Nabatid na sinabi ng Finland, Kazakhstan, Georgia at Mongolia na nasa borders ng Russia, na marami ang tumawid sa border, matapos ang anunsyong iyon ni Putin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *