Unang 100 araw ni PBBM  sa pwesto mabigat sa bulsa ayon sa ilang residente sa Camarines Sur

NAGA CITY- Mabigat sa bulsa ang unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang reaksyon ng ilang mga residente ng matanong ng Brigada News FM Naga.

Ayon sa padre de pamilyang si “Waway”  hindi buong pangalan ng Tinambac , Camarines Sur sinabi nitong mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Batid din ni Waway na panay ang tungo ng pangulo sa ibang bansa.

Ayon sa Palasyo productive naman ang mga lakad ni PBBM dahil kinakausap ang mga investors.

Ang ginang na si “Gi” na tumanggi na ring banggitin ang buong pangalan, sinabi niya na napakababa na ng halaga ng isang daang piso ngayon; mahal ang bigas ,asukal at iba pa.

Naiintindihan ng dalawa na nagsisimula pa lamang ang bagong administrasyon kaya umaasa na sa pagpapatuloy ng paninilbihan unti-unting maibabangon ang Pilipinas tulad nang kaniyang ipinangako.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *