Krisis dahil sa pandemya ramdam pa sa Naga City; mga pangunahing pangangailangan idinudulong parin sa LGU

NAGA CITY – Tila kulang parin ang natatanggap o natanggap na ayuda ng mga residente ng Naga City na lubhang naapektuhan ng kasalukuyang pandemya dahil sa patuloy pa rin ang pagdaing ng mga ito, at paghingi ng tulong sa City Government.

Karamihan sa mga hinihinging tulong ay para sa mga bayarin sa kuryente, sa tubig, pambili ng mga gamot at kung minsan pambili pa ng bigas.

Ang mga problemang ito ay naaaskyunan naman ng City Government sa pamamagitan ng mga nabuong City Ordinances na may kaugnayan sa COVID-19 response tulad ng sa Stimulus Package Loan para sa mga maliliit na mga negosyante at ang Naga City Community Employment.

Batay naman sa pahayag ni City Councilor Lito del Rosario, Chairman  ng Committee on Transport sa konseho sa Brigada News FM Naga ang ganitong mga problema sa panahon ngayon ay ordinaryo  na dahil nga sa pandemya na naging limitado ang galaw ng bawat isa. Katuwang ng City Government sa pagbibigay ng tulong sa mga ito ay ang City Social Welfare and Development Office.

Tiniyak ng opisyal na may suporta ang LGU, may pondong inilaan bilang bahagi ng COVID-19 response program. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *