Prusisyon sa Semana Santa, posible na muling maisagawa ngayong taon dahil sa pagluluwag ng COVID restrictions

BNFM BICOL—Posible na  muling maisagawa sa ilang bahagi ng  Bicol region ang ilang mga aktibidad ngayong darating na Semana Santa, na hindi naidaos at sinuspinde nitong nakalipas na dalawang taon, dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Iyan ang isa sa mga tinalakay sa nangyaring pagtitipon ng mga tagapag-alaga at nagmamay-ari ng mga imahen sa Albay Cathedral nitong nakaraang araw.

Nabuksan sa naturang pagpupulong ang usapin hinggil sa muling pagsasagawa ng prusisyon sa Biyernes Santo, na pinaboran ng ilan sa mga ito.

Ganunpaman, malaking hamon rin umano sakanila ngayon ang pagsasaayos ng mga alagang imahen dahil ang ilan sa mga ito ay nangangailangan ng “major repair” matapos na hindi magamit nang mahabang panahon.

Sakabila nito, wala pang katiyakan kung maisasakatuparan ang naturang aktibidad ngayong taon lalo’t wala pa namang inilalabas na pasya ang Simbahang Katolika, ngunit may ilang LGU’s na rin sa Bicol gaya ng Naga City LGU ang naglabas ng kautusan hinggil sa pagsasagawa ng prusisyon  ngayong mahal na araw depende sa magiging Alert Level status ng lungsod.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *