Kumakalat na balitang may local case na ng delta variant sa Catanduanes, pinabulaanan ng DOH

Catanduanes—Mariing pinabulaanan ni DOH Catanduanes Provincial Officer Dr. Robert John Aquino ang mga kumakalat na impormasyon ng umano’y pagkakaroon na ng lokal na kaso ng COVID-19 delta variant sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Aquino, tinitiyak niyang wala pang na de-detect na Delta variant case sa probinsya at tanging mga Alpha at Beta variant pa lamang ang naitatala sa lalawigan.

Ginawa ng doktor ang pahayag matapos na maglabas ng balita ang isang lokal na pahayagan sa probinsya kaugnay ng umano’y pagkakatala ng delta variant cases sa isla kung saan ayon pa umano sakanilang source ay naitala ang nasabing variant ng sakit ilang araw bago umabot sa mahigit isanglibo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Ayon pa dito nakarekober na ang indibidwal na tinamaan ng delta variant ngunit kinakailangan ulit itong isailalim sa swab test at muling sumailalim sa 14 days quarantine.

Bagay na kanilang binawi matapos na magpaunlak ng pahayag si Aquino upang pabulaanan ang balita at humingi rin ito ng paumanhin sa paglalabas ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring ikina-alarma ng publiko.

Kaugnay nito, masayang ibinalita ng PHO na ibinaba na sa Alert Level 1 ang COVID-19 classification risk sa Catanduanes mula sa pagiging Alert Level 3.

Nangangahulugan aniya ito na bumaba ang bilang ng mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan habang nasa 50% na lamang ang utilization rate ng mga COVID wards sa COVID referral hospital ng probinsya mula sa dating 70%.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *