Mga Bicolano OFW sa Afghanistan hindi pa kasama sa mga unang napauwi; ilang kaanak dumulog na sa OWWA

LEGAZPI CITY—Inaasahang makakasama na sa susunod na batch ng repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Afghanistan ang anim pang mga Bicolanong nagtatrabaho doon bago ang August 31 deadline.

Ayon kay Overseas Workers Welfares Administration (OWWA) Bicol Information Officer Rowena Alzaga, ilan sa mga kaanak ng mga nasabing OFW ay dumulog na sa kanilang tanggapan upang matulungan ang mga itong makauwi na sa bansa.

Wala pa kasi umanong nakakasamang Bicolano sa unang batch ng repatriation efforts ng gobyerno.

Base sa validation ng OWWA Bicol, sa 49 na mga Bicolano sa Afghanistan, 43 na ang mga nakaalis bago pa man ang pananakop ng Taliban kung kaya anim lamang ang naroroon pa ngayon.

Karamihan umano sa mga ito ay mga skilled workers, domestic workers o land based workers.

Mababatid na nagkukumahog ngayon ang iba’t-ibang bansa upang ilikas ang kanilang mga mamamayan na nasa Afghanistan matapos na i-take over ng Taliban ang gobyerno nito.

Nagbigay kasi ang grupo nang hanggang Agosto 31 upang tapusin ang foreign evacuation kasabay ng deadline sa pag pullout ng US forces doon.# || with reports from BNFM Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *