KUSINERONG NAAKTUHANG NAGBEBENTA NG MARIJUANA SA CAGAYAN, ARESTADO

Arestado ang isang kusinero matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng kapulisan sa Brgy. Capatan, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang naaresto na si alyas Mario, 23-anyos, binata at isang kusinero.

Naaresto ito matapos bentahan ng isang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng Marijuana ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska rin mula rito ang isang cellphone at P1,000 na ginamit bilang buy bust money. Sa ngayon ay nasa kustodiya na g PCP Carig, Tuguegarao City at kakaharapin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *