NARANASANG SUNOD-SUNOD NA PAGYANIG SA MACONACON, POSIBLE UMANONG DAHIL SA PAGGALAW NG DIVILACAN FAULT – OCD

Posible umanong ang paggalaw ng Divilacan fault ang nagsanhi sa naranasang magkakasunod na paglindol sa Maconacon, Isabela. Ito ang patuloy na minomonitor ng ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology at Office Of the Civil Defense Region 2.

Ipinaliwang ni OCD Region 2 Durector Leon DG Rafael Jr na kanilang ikinalaarma ang nangyaring sunod-sunod na lindol sa Maconacon at naramdaman din sa ibang lugar.

Aniya, batay sa Phivolcs ang paggalaw ng Divilacan Fault ay extending north to south hanggang sa Maconacon kung saan pupuntahan nila ito upang suriin bagaman walang kakayahan ang Phivolcs na makita ang extended fault.

Bukod dito, maaari rin umanong gumalaw ang Philippine Rise kung saan tinutulak nito ang lupa sa ilalim ng karagatan sa pagitan nito sa Lambak ng Cagayan na possible ring naging dahilan ng pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *