Labing-apat na taong gulang na lalaki, patay matapos makuryente

Patay matapos makuryente ang labing-apat na taong gulang na batang lalaki sa Barangay 104 sa Tondo, Maynila.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakuryente ang nasabing bata dahil sa air conditioner na nakalagay sa taas ng bubong ng warehouse.

Base sa salaysay ng Bureau of Fire Protection- Emergency Medical Services (BFP-EMS), pabalik na sila sa kanilang base matapos rumesponde sa insidente ng sunog nang ipaalam sa kanila ng mga bystanders sa lugar ang tungkol sa bangkay ng isang bata.

Matapos ang insidente, agad naman ding ibinababa ang walang kabuhay-buhay na katawan ng batang lalaki na nakita sa tabi ng air conditioner.

Samantala, patuloy naman sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *