Ilang kumakandidato sa Bulacan, hindi inalintana ang baha sa pagfa-file ng kanilang COC

Hindi inalintana ng ilang tumatakbong Sangguniang Kabataan (SK) ang bahang dulot ng pag-ulan at high tide sa bayan ng San Agustin, Hagonoy Bulacan sa pagfa-file ng kanilang certificate of candidacy (COC).

Maaalala, ayon sa datos na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) pumalo na sa mahigit 944,325 ang nakapag-file ng kanilang COC sa walumpung probinsya.

Samantala, binigyang-linaw naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na ang sanhi ng pagbaha sa Hagonoy Bulacan ay dala ng high tide at hindi dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo Dam.

Sa ngayon, ayon sa ilang residente, mataas pa rin ang lebel ng tubig o baha sa ilang lugar sa bayan ng Hagonoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *