Lagman, humiling ng P166.7-M na pondo re: Pag-alburoto ng Mayon

Humiling ng P166.7-M na pondo sa pamahalaan si Albay Gov. Edcel Greco Lagman upang matiyak ang patuloy na tulong sa libu-libong residenteng apektado ng paga-alburoto ng Bulkang Mayon.

Sa situational briefing, ipinaliwanag ni Lagman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pamahalaang panlalawigan ay nangangailangan ng tinatayang P196,711,000 para matulungan ang mga evacuees sa loob ng 90 araw.

Mula sa halagang ito, P156.71 milyon ang mapupunta sa mga relief services; P5 milyon sa water at sanitation; P10 milyon sa health emergency services; P10 milyon para sa temporary learning spaces ; P5 milyon para sa paglikas ng mga hayop; P5 milyon sa logistics; at P10 milyon para sa emergency assistance.

Sinabi ni Lagman na ang P30 milyon mula sa quick response fund ng lalawigan ay ginagamit na ng pamahalaang panlalawigan, matapos magdeklara ng state of calamity ang lalawigan noong June 9.

Tatagal lamang daw kasi ng 14 na araw ang kasalukuyang pondo ng Albay kung pagtugon sa pangangailangan ng mga residente ang pag-uusapan. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *