Bulan, magiging pilot site ng proyektong Reducing Marine Plastic in East Asian Seas Region

Napiling pilot site ang bayan ng Bulan ng proyektong Reducing Marine Plastic in East Asian Seas Region na pangungunahan ng Partnership in Environmental Management for the Seas of East Asia o PEMSEA na suportado ng Ministry of Oceans and Fisheries ng Republic of Korea.

Ang proyekto ay may layuning mabawasan ang mga plastic na patuloy na nagpapadumi at sumisira sa karagatan.

Ayon sa PEMSEA, sa pamamagitan ng Marine Plastic Project, papalakasin nito ang marine plastic management ng mga Local Government Unit o LGU sa bansa at magiging magandang halimbawa din ito ng mga good practices at innovative solutions sa nasabing polusyon at magdadala ng mas malawak na capacity building at awareness drive sa mga mamamayan.

Limang taon mananatili ang proyekto sa bayan ng Bulan kung saan kabilang rin sa 6 na mga lugar na magiging pilot site sa bansa ay ang Puerto Pricesa City, Calbayog City sa Samar, Daanbantayan sa Cebu, Dipolog City sa Zamboanga del Norte at Tandag City sa Surigao del Sur.

Sa kabuuan, 10 mga lugar ang magiging pilot site ng nasabing proyekto.

Anim ang mula sa Pilipinas at apat naman ang mula sa Timor-Leste.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *