Lahat ng bayan sa Camarines Norte nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 sa ulat ng DOH Bicol Kahapon

CAMARINES NORTE – Muli na namang nakapagtala ng panibagong daily record high on new cases sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte

Sa report ng DOH Bicol kahapon, umabot sa 46 ang panibagong kaso na naitala, pinakamataas na kasong naitala simula ng maranasan ang pandemya noong March 2020

Ang mga panibagong kaso ay naitala sa lahat ng bayan sa lalawigan:

  • Daet – 14
  • Labo-10
  • Sta. Elena – 5
  • Basud – 4
  • Mercedes – 3
  • Paracale -2
  • San Vicente – 2
  • Vinzons – 2
  • Capalonga – 1
  • Jose Panganiban – 1
  • San Lorenzo Ruiz – 1
  • Talisay – 1

Sa ngayon mayroon ng 560 total cases ng COVID-19 ang Camarines Norte

mula sa naturang bilang umakyat na sa 197  ang aktibong kaso habang walang naitalang nakarekober sa sakit  ang DOH Bicol sa lalawigan kahapon kung kayat nananatili ang bilang nito sa 333 gayundin ang bilang ng mga nasawi na may 30

Patuloy namang umaapela sa publiko ang Camarines Norte IMT na panatilihin ang pagsunod sa Health safety Protocols

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *