Lakad dasal, isinagawa sa Sariaya, Quezon bilang pagtutol sa quarrying

Nagsagawa ng Lakad Dasal para sa Kalikasan, Kaligtasan, Katotohanan at Katarungan ang mga Sariayahin upang tutulan ang Quarrying Operation sa Mt. Banahaw sa Sariaya, Quezon nitong Huwebes Mayo 2.

Ito ay upang ipakita ang kanilang mariing pagkundena sa isinasagawang quarrying sa nasabing bayan na maaring lubos makaapekto sa bawat mamamayan ng Sariaya na nasa paahan ng bundok Banahaw.

Samantala, bahagi ng aktibidad ang pagsasagawa ng isang Misa at sabay sabay ang mga ito na nag martsa patungong Sangguniang bayan ng Sariaya para iparating ang kanilang mga hinaing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *