Simultaneous registration para sa nalalapit na ‘Dog Fun Show’, patuloy – AVO

LEGAZPI CITY – Patuloy ang simultaneous registration ng Albay Veterinary Office (AVO) para sa nalalapit na Magayon Festival 2024: Hayop ang Dating, A Dog Fun Show sa Albay Capitol Compound, Albay Veterinary Office, Camalig at SM City Legazpi ground floor na isasagawa sa Mayo 5 ngayong taon sa Peñaranda Park, Legazpi City.

Ayon sa AVO, maraming kategorya ang pwedeng salihan ng dog owners para sakanilang mga alagang aso, kabilang ang Best Local Breed, Dog-Handler Look-alike, Dog Fashion Show, at Dog Trick Show.

Bukas umano ito para sa lahat ng breed ng mga aso, at dapat updated sa bakuna ng rabies, rehistrado, at nasa maayos na kondisyon ang katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *