Lakers bokya pa rin sa 2022-23 NBA season

Hindi pa rin nakakakuha ng panalo ang Los Angeles Lakers sa pagsisimula ng 2022-23 season.

Muling nakalasap ng pagkatalo ang Laker sa kamay ng Portland Trailblazers sa score na 106-104.

Bagama’t maganda ang laro nina ni Lebron James na humakot ng 31 points at Anthony Davis na may 22 points, nasilat pa rin sila ng Blazers sa huling sandali ng laban.

Susi sa panalo ang lay-up ni Jarami Grant sa huling possesion ng Portland habang sumablay naman ang tira ni James na sana’y magdadala sa overtime ng laro.

Dahil bumagsak sa 0-3 ang standing ng Lakers at ang Blazers ay wala pang talo sa tatlong laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *