Lalaki, arestado sa panghoholdap sa Lucena City; Suspek, nakipagbarilan sa mga pulis

Arestado ang isang lalaki matapos nitong holdapin ang isang convenience store at matangay ang nasa ₱31,000 na kita nito sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Miyerkules, Mayo 1.

Ayon sa report, nagpanggap umanong customer ang suspek na si alyas “John” at nang makapasok ito ay doon na ito nagdeklara ng holdap saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Agad na nakahingi ng tulong sa awtoridad ang store crew at sa pagresponde ng mga ito, nagpaputok ng baril ang suspek na nag-udyok sa mga kapulisan na paputukan ito sa kanang binti.

Dito na naaresto ang suspek at narekober sa kanya ang ginamit na getaway vehicle, ang ninakaw na pera at ang baril nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *