Tinatayang 25 milyon pisong halaga ng ari-arian, natupok sa isang langisan sa Lucena City

Sumiklab ang sunog sa isang langisan sa Purok Jasmine Barangay Domoit, Lucena City ngayong umaga ng Huwebes, Mayo 2.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay City Fire Marshall, FSUPT Rodel L. Nota, nakatanggap sila ng tawag alas-4:23 ng umaga at idineklara na fire under control ang sunog bandang alas-8:26 habang fire out na ng alas-9:45 ng umaga.

Itinaas sa ikatlong alarma ang naturang sunog alas-6:05 ng umaga at tinatatayang nasa 25 milyong piso ang halaga ng ari-arian ang natupok.

Wala namang naitalang nasugatan at nasawi sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *