10 lalaki na sangkot umano sa palit-manok modus, arestado ng NBI

Arestado ang 10 miyembro ng sindikatong sangkot umano sa pagnanakaw ng mga manok na dinadala sa mga planta.

Ang modus ng grupo, nanakawin umano ang mga ide-deliver na manok at papalitan ng mas maliit na manok.

Base sa imbestigasyon lumilihis sa ruta ang truck at pinapalitan umano ng driver ang mga manok na dala nito.

Nagkasa ng operasyon ang NBI matapos magsumbong ang isang planta na substandard ang marami sa mga manok na hinahatid sa kanila kumpara sa iba.

Natuklasan din ng mga otoridad na nagagawan ng paraan ng mga suspek na dayain ang GPS tracker ng delivery truck.

Kwento ng isa sa mga suspek minsan aabot sa 1,000 manok ang ninanakaw nila sa mga delivery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *