Lalaki, pinagbabaril-patay sa Tiaong, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Barangay Cabay, Tiaong, Quezon nitong Linggo, Mayo 5.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalakad umano noon sa Barangay Road ang biktimang si alyas “Joseph” nang harangin ito ng suspek saka pinagbabaril sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad na binawian ng buhay ang biktima habang ang suspek naman ay tumakas matapos ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *