‘Chibog’ tourism – isinusulong ni PBBM

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na isulong ang tinatawag na gastronomic tourism.

Sa latest vlog ng Pangulo na patungkol sa Chibog, sinabi nitong iba ang lasa ng Filipino food kaya’t tanyag na ang ilan nating pagkain sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Inihalimbawa pa ng Presidente ang pagkakasama ng mga pagkaing Pinoy sa Taste Atlas, tulad ng sinigang.

At marami pa anyang masasarap na pagkain sa Pilipinas na maipagmamalaki sa mga turista.

Kaya maliban sa magagandang tanawin sa bansa, dapat ring i-market sa mga turista ang pagkain dito sa bansa.

Samantala, ibinahagi rin ni Pangulong Marcos sa kanyang Chibog vlog na paborito nitong street food ay ang ballot.

Maging ang viral ngayong paresan sa social media, ay gusto rin daw subukan ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *