Lalaki sa Australia, kinilala bilang “Most Tattooed Living Man” dahil sa patong-patong na tattoo sa katawan

KAKAIBA ang isang lalaki sa Queensland, Australia dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi patong patong na tattoo ink ang meron siya sa buong katawan na ultimo ang kanyang mga talukap, maselang balat ng kanyang mga daliri at paa maging  sa itaas na bahagi ng mga kanal ng tainga. Pati gilagid niya ay may tattoo.

Ang lalaking ito ay kinilala na si Greg Paul McLaren na  mas popolar sa bansag na Lucky Diamiond Rich kung saan siya ay nabigyan ng spot sa  Guinness World Records 2023 Hall of Fame at kalaunan ay kinilala bilang “Most Tattooed Man Living on Earth”.

Ayon kay Lucky una siyang nagka tattoo noong siya ay 16 years old pa lamang dagdag pa ni Lucky nang ito ay tanungin sa isang panayam kung paano siya umabot sa ganito, sinabi niya na “Just one tattoo at a time I guess, that’s how everyone does it”.

Sa kasalukuyan, kahit na nakakaranans si Lucky ng ilang hindi patas na pagtrato ng lipunan hinggil sa kanyang itsura palagi niyang sinasabi na sa kabila ng tintang nakabalot sa kanyang panglabas na anyo, siya ay katulad lang din ng iba na may nararamdaman at kagustuhan  magkaroon ng masaya at ordinaryong buhay.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *