Lalaki sa Japan, gumastos ng 2-million Yen para sa pangarap na maging isang aso

Japan- Marami saatin ang nangangarap na magkaroon ng magandang buhay, makamit ang inaasam na trabaho at matupad ang pangkaraniwang mithiin ng isang tao.

Bagay na ibang-iba sa hangarin at pangarap ng isang lalaki sa bansang Japan dahil wala itong ibang gusto kundi ang maging isang aso.

Nag viral kamakailan sa social media partikular sa Twitter ang isang twitter user na si @toco_eevee, makaraang i-post nito ang kanyang larawan kung saan nakasuot siya ng makatotohanang costume bilang isang aso.

Ayon sakanya, inabot ng 2-million yen o katumbas ng P823,000 ang kanyang ginastos sa pagpapagawa ng makatotohanang costume mula sa kompanyang Zeppet na gumugol naman ng mahigit dalawang buwan para lamang magawa ang naturang costume.

Matagal na umanong pangarap ni Toco na maranasan kung paano maging isang aso dahil na rin sakanyang pagiging isang “pet lover.”

Pinili niya rin ang breed na “Colie” dahil mas magiging makatotohanan kung ito ang kanyang ipapagawa.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *