Lalaki sa USA, nangholdap ng 1$ sa bangko upang makulong sa pangarap niyang kulungan na may libreng health care services

Isang lalaki kamakailan sa Utah, USA ang naaresto dahil sa pagdeklara nito ng holdap sa pamamagitan ng isang maliit na papel kung saan nakasulat din dito na bigyan siya umano ng $1 o 55 piso.

Nangyari ito sa branch ng Wells Fargo Bank sa Salt Lake City kung saan ang 65-anyos na pinangalanang si Donald Matthew Santacroce ang kinikilalang suspek.

Nagawa niya umano ito dahil sa nais niyang makulong sa Federal Prison na sa una’y tila hindi maunawaan ng pulisya dahil sa hindi konkreto ang rason nito.

Kalauna’y napag-alaman na nis pala nitong makulong rito upang makalibre sa isnag health care services.

Makaraan ang ilang araw ay pinalaya rin agad ito, ngunit patuloy itong nagbanta na patuloy siyang manghoholdap kung hindi siya maikukulong sa naturang piitan.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *