Lalaki sinira ang korona matapos mag 2nd place ang kanyang asawa sa beauty pageant

Isang beauty pageant sa Brazil ang nagkaroon ng twist noong gabi ng koronasyon nito, nang umakyat ang asawa ng isang kandidata sa entablado at sinira ang korona nang malaman na hindi nanalo ang kanyang asawa sa kompetisyon.

Sa ulat ng local media, ang insidente ay naganap sa Miss Gay Mato Grosso noong May 27 matapos ihayag na si Miss Várzea Grande Emannuelly Belini ang lumabas bilang grand winner at hindi ang kanyang partner, na si Miss Cuiabá Nathally Becker.

Sa mga video na kumalat online, makikitang kinuha niya ang korona sa kamay ng ceremonialist’s at inihampas ito sa sahig. Pagkatapos ay kumuha siya ng isa pa at sinira ito.

Mabilis naman siyang pinababa sa stage ng mga security guard habang patuloy siya sa paghagis sa korona.

Naglabas ng pahayag ang pageant organizers at sinabing kinokondena nila ang nangyaring insidente.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *