Lalaki, sugatan matapos saksakin ng nakaalitan sa Lucena City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang nakaalitan sa Barangay 4, Lucena City nitong Linggo, Pebrero 25.

Ayon sa police report, kinompronta umano ng lasing na suspek ang biktima na noon ay nagtitinda ng tempered glass at cellphone case na siyang nauwi sa alitan ng dalawa.

Naawat ito ng kanilang mga kapatid na Muslim at napaghiwalay subalit bumalik umano ang biktima na may dalang bakal na tubo habang may dala namang kutsilyo ang suspek.

Doon na nag-away ang dalawa na siyang nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente habang ang biktima naman ay isinugod sa hospital ng kanyang kaanak.

Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *