Lalaking may kasong Qualified Theft sa bayan ng San Vicente nadakip sa Tiaong, Quezon

CAMARINES NORTE- Isang 31 anyos na lalaki na may kasong Qualified Theft ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad, alas 6 ng gabi nitong June 10, 2021 sa Barangay Dalig-Maharlika Highway, Tiaong, Quezon.

Nakilala ang akusado na si JOSEPH CANDELARIA  y Abarca, 31 anyos, isang gas pump attendant at residente ng Purok 5, Barangay San Isidro, Daet, Camarines Norte.

Naaresto si Candelaria sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang January 20, 2016 para sa kasong Qualified Theft

Umaabot sa Dalawampu’t  Apat na Libong Piso (Php24,000.00) ang pyansang inirekomenda ng RTC Branch 38 sa Daet, Camarines Norte para sa pansamantalang kalayaan nito

Ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng San Vicente MPS para sa kaukulang disposiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *