Lalaking naghahanap ng mapapangasawa, ipina billboard ang sarili sa London

Kinagiliwan ng mga commuters ng Oxford Circus Tube Station ang kakaibang paraan ng paghahanap ng mapapangasawa ng isang binata mula sa Ealing, London, dahil sa halip na gugulin ang oras sa mga dating apps, inindorso nito ang kanyang sarili bilang isang ‘husband material’ gamit ang mga billboards.

Gumastos ng 2,000 british pounds o mahigit Php130,000 ang binata sa ‘wife searching’ na ito para sa dalawang billboards na magtatagal ng dalawang linggo sa nasabing tube station.

Ayon kay Jeevan Bhachu, 31 taong gulang at isang Indian-British, inilagay niya ang kanyang larawan sa 20-feet billboard sa pag-asang ito na ang pagkakataong mahanap niya ang kanyang mapapangasawa dahil ng mag-umpisa umano ang pandemya ay nahirapan siyang lumabas upang makipag-date.

Aniya, bukas siya sa anumang lahi para sa kanyang ideal partner ngunit mas mainam umano kung ito ay mapagmahal sa pamilya, mapagkumbaba, at may sense of humor.

Bukod sa kanyang larawan, nakalagay rin sa nasabing billboard ang website na kung saan maaaring mag-apply ang mga interesadong kababaihan gamit lamang ang mga impormasyon tungkol sa kanilang sarili tulad ng pangalan, libangan, hangarin at maging ang kanilang litrato.

Sa ngayon ay mayroon ng 50 applicants si Bhachu na patuloy niyang sinusuri, at kung hindi pa rin umano siya papalaring mahanap ang dito kanyang future misis ay pinag-iisipan niya pa ring gawin ito sa pangalawang pagkakataon.### RHODA REODIQUE, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *