Lalaking naglalaro lang ng ML, binaril patay

Patay ang isang lalaking naglalaro lang ng mobile legends sa kanyang cellphone matapos itong barilin ng isang lalaking nakasuot ng helmet kaninang madaling araw sa Pacencia Compound Barangay Tipolo sa Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Chris Elbert Lloyd Eduria, mula sa isla ng Bantayan sa Cebu ngunit kasalukuyang naninirahan sa lungsod ng Mandaue.

Sa panayam kay Police Chief Master Sergeant Ricardo Petiluna, ang investigator ng Subangdako Police Station sinasabing habang nag-iinuman kasama ang kanayang mga kaibigan at naglaro sa kanyang cellphone ang biktima, bigla na lang di umanong lumapit ang nag-iisang responsabli ng kremin kung saan, sinabihan pa umano sila kung bakit pa sila gisin.

Matapos nito, nilapitan ng salarin ang biktima at tinutukan ng baril.

Sinubukan pa ng bitkima na awagin ang baril ngunit natamaan ito sa kanyang dibdib at sa kanyang kamay.

Sinasabing nakatakbo pa umano ang biktima malapit sa kanyang inuupahang kwarto ngunit doon ito nalagutan ng hininga.

Sa ngayon, patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo at naghahanap na rin sila ng mga CCTV cameras malapit sa lugar, upang malaman ang identity ng salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *