Lalaking obsessed sa ginto, araw-araw na nagsusuot ng 2 kilong gold jewelries sa Vietnam

Vietnam– Usap-usapan ngayon ng mga marites sa bansang Vietnam ang isang 39-anyos na lalaking negosyante dahil sa pagiging obsessed nito sa ginto.

Araw-araw, dalawang kilong gintong alahas kase ang nakasabit at nakalagay sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at maging ang kanyang mga pag-aaring sasakyan ay ‘gold plated’.

Ayon sa local media, kinilala itong si Tran Duc Loi – isang negosyante at nagbebenta ng mga luxury pets katulad ng ‘South American lizards.’

Sa panayam kay Tran, nagsusuot siya ng mga gintong alahas tuwing lalabas ng bahay dahil sa paniniwalang magdadala ito ng swerte sakanyang negosyo.

Maliban  sakanyang mga gintong alahas, mayroon din siyang gold plated ‘Lexus Convertible’ na kotse at dalawang gold plated rin na motorsiklo.

Umani ng samut-saring komento ang Tiktok videos ni Tran kung saan ipinapakita niya ang kanyang mga alahas.

Ayon sa iba, hindi ito magandang ehemplo sa mga kabataan habang ang iba naman ay labis na humanga sa lalaki at sinabing sana ay kasing yaman din sila ni Tran.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *