Lalawigan ng Albay, nakapagtala ng dalawang kaso ng fireworks-related injuries ngayong 2022

Nakapagtala na ang lalawigan ng Albay ng dalawang kaso ng fireworks-related injuries bago matapos ang taong 2022.

Sa impormasyong mula sa Department of Health (DOH) Bicol, unang naitala ang kaso ng mga naputukan sa bayan ng Daraga at sinundan ng Lungsod ng legazpi.

Ang unang nabiktima umano ay gumamit ng improvised canon o “boga” habang ang ikalawang biktima ay gumamit ng five star.

Dagdag pa rito, hindi pa man dumarating ang pagpalit ng taon marami na ang nabibiktima ng paputok sa Bicol region.

Batay sa datos, mula sa Camarines Sur ang dalawa pang biktima ng paputok sa rehiyon, samantalang ang isa naman ay sa Camarines Norte.

Binigyang-diin din ng ahensya na napakadelikado ang paggamit ng boga dahil maaari itong maging sanhi ng pagkaputol ng ilang bahagi ng katawan tulad ng kamay at daliri.

Pinaalalahan din ahensya ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak na siyang karaniwang nabibiktima ng paputok.

Maging ang mga lokal na pamahalaan ay inalerto na ng tanggapan na bantayan ang nasasakupan upang makaiwas sa fireworks-related injury.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *