Land travel mula Luzon hanggang Mindanao pansamantalang kinansela dahil sa mahabang pila ng mga sasakyan sa port area ng Lilaon Southern Leyte- OCD EASTERN VISAYAS

LEGAZPI CITY – Epektibo kahapon kanselado ang land travel mula luzon hanggang mindanao dahil sa nagkakaroon ngayon ng problema pagdating sa mahabang pila ng mga sasakyan sa port area ng Liloan southern leyte.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm Legazpi mula sa Office of the Civil Defense Eastern Visayas.

Ayon sa Ocd ng Eastern Visayas, pansamantalang wala munang land travel mula luzon hanggang mindanao dahil patuloy nadadagdagan ang mahabang pila sa mga port area ng kanilang pupuntahan.

Maliban pa rito, ang San Ricardo port ay non-operational dahil sa pinsalang tinamo sa bagyong odette.

Nilinaw rin ng ahensya tanging pinapayagan na bumyaheng mga sasakyan ay mga relief items at mga pagkain.

Muling nanawagan ngayon ang nasabing ahensya sa mga babyaheng pribadong mga sasakyan na huwag na munang tumuloy o bumyahe sa nabanggit na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *