Langaw, pinoproblema  pa rin ng mga residente sa Calabanga, Camarines sur

NAGA CITY- Perwisyo ang dala ng mga langaw na pinaniniwalaang galing sa ilang poultry farm, malapit sa Brgy. Bonot Sta. Rosa, at Manguiring Calabanga Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Barangay Kagawad Marlon Benitez ng Bunot sinabi nitong ilang buwan na nila itong problema at sa katunayan kahit hindi naman harvesting period ng mga manok dagsa pa rin ang mga langaw sa kanilang lugar.

Apektado na rin ang karatig na barangay ng Manguiring kung saan sinabi ni Barangay Chief Tanod Benjamin Bensalida na may mga pagkakataon na sa loob na ng kulambo kumakain ang mga residente para maiwasan ang sakit na dala ng mga langaw.

Agosto kasalukuyang taon nag issue ng memorandum si Mayor Eugene Severo sa lahat ng departamentong nakakasakop sa mga patakaran sa poultry farms na magsagawa ng regular na inspeksyon dahil sa problema sa langaw na idinulong sa BNFM Naga.

Nagkaroon ng joint inspection noong Agosto , nangako noon ang poultry farms na susunod pero mayroon paring nagdadala ng perwisyo sa iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *