Mga patapong gulong napapakinabangan pa ng isang negosyante

Napapakinabangan pa ng isang negosyante sa Olongapo City ang mga patapon ng mga gulong.

Ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang gamit mula dito na isang artwork tulad ng mga upuan, mesa, basurahan at iba pa.

Naisipan umano ito ni Norberto Tismo na ituloy-tuloy na ang paggawa nitong kasagsagan ng pandemya para dagdag pagkakakitaan.

Sa ngayon ay nakikilala ang mga gawa ni Tismo na talagang handmade at matyaga niyang sinisiguradong maayos ang pagkakagawa para mapanatili ang tibay.

Maliban sa karagdagang kita ay nakakabawas pa ito ng kalat sa kapaligiran.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *