Langgam, pangunahing ingredient na pampasarap ng alak sa Australlia

Sabi nila kapag nakakain ka umano ng isang langgam ay gaganda ang boses mo o ‘di kaya’y titinis.

Paano na lamang kung maging pangunahing ingredient ito sa isang inumin?

Ganito kasi mismo ang ginagawa sa isang food company at distellery sa Australlia ang naglalagay ng langgam sa kanilang inuming gin dahil sa nakapagdadagdag umano ito ng lasa na mistulang isang citrus flavor.

Sa tulong ng pagsanib puwersa ng kompanyang Soething Wild at Adelaide Hills Distillery nakagawa sila ng namumukod-tanging alak na nagrerepresenta ng pamumuhay ng Australlian aborgines.

Maituturing kasi umanong ang mga green ant o weaver ants ay mayroong source of protein ng Australlian aborgines noong unang panahon.

Ang larvae at abdomen ng mga langgam na ito ay mayroo umano ng lemon at lime flavor na pinaniniwalaang nakapagpapaga­ling ng ilang mga karamdaman gaya ng ubo.

Naging patok rin ito sa merkado kung saan pinangalanang Green Ant Gin noong 2017.

Mabibili din ito sa Australia sa halagang 100 Australian dollars (katumbas ng P3,570).###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *